Something I wrote last year…

🙂

Kung nakakapagsalita ang Simbahan…

Kapatid, natutuwa naman ako at napadaan ka, maupo ka naman sa harap, matagal na kitang hindi nakikita.

O, bakit andyan ka sa gilid, nagmamadali ka ba? Ah… baka nahihiya ka lang kasi huli ka ng pumasok, Gloria na eh. Teka, naka pang party ka ata, mukhang may gimik ka mamaya. Di mo ba napansin sa labas, may nakapaskil na “appropriate attire”?

Sige, ok lang yan. Ang importante ay nakarating ka sa isang masayang selebrasyon ng Misa. Natutuwa ang Diyos na nandito ka. Pero kapatid, baka di mo marinig ang mensahe ng Panginoon kasi ang mensahe sa cellphone mo ang iyong pinupuna.

Nakakatuwa may mga mag-a-anak na dumalo. Mga magulang, masaya ang Diyos na isinama ninyo ang inyong mga anak. Pero sana, ipakita ninyo sa kanila kung paano ang dapat porma sa pagdarasal. Hindi nila maiintindihan kung kayo’y sisigaw o mangungurot lamang.

Ayan, Communion  na.. Hmm… handa ka ba talagang tanggapin ang Banal na Katawan ng Ating Panginoong Hesus? Bakit ka galit at may sumingit sa pila?

Uy, bata, di ka pa ata nag fi-first Communion ha!

Kapatid, di pa tapos ang Misa, bakit paalis ka na? May pagbabasbas pa…

Ops, ops, ops… dahan dahan lang po, antayin po natin si Father na bumaba… Hindi naman po karera ito.

Hay, kaibigan, matagal tagal ka na nga talagang hindi nakakadaan sa simbahan. Madami ka ng nakalimutan. Sa inyong susunod na pagsimba, tatandaan – ito’y bahay dalanginan, at hindi palengke o palaruan.

Mag ingat at kita kita ulit sa susunod na linggo!

Advertisements